13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Nabenngan Footbridge ng Sadanga, Mountain Province

Ang Nabenngan Footbridge ng Sadanga, Mountain Province ay isang proyekto ng mga PNP Cordillera na inilunsad at ipinasakamay na sa mga residente noong Abril 29, 2022.

Ito ay bilang pasasalamat ng PNP sa mga mamamayan ng Sadanga sa kanilang matapang at patuloy na paninindigan sa kampanya kontra insurhensya na kinatawan ng kanilang yumaong butihing alkalde Hon. Gabino Ganggangan.

Ang nasabing footbridge ay nagkakahalaga ng Php6.8M kung saan ang Php4.1M ay mula sa personal na kontribusyon ng PNP Cordillera, ang Php1M naman ay mula sa Secretary of National Defense, ang Php800K ay mula sa National Security Adviser at ang Php180K naman ay mula sa MLGU.

Ito ay may 32 metrong haba at nagsisilbing daanan ng 123 magsasaka ng Barangay Nabenngan, Napoyowan, Fagwang at Ogging.

Layunin nitong tiyakin ang kaligtasan ng mga magsasaka at mapadali ang kanilang paglilikas ng kanilang produkto mula sa sakahan papunta sa kanilang tahanan o sa bayan.

Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=163800409420437&id=100073714352688

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles