14.3 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Museo, itinayo sa Brgy. Sarmingan, Narvacan, Ilocos Sur

Pinangunahan ni Narvacan Mayor Pablito V. Sanidad Sr. ang inspeksyon sa ginagawang Indigenous Memorial Museum sa Brgy. Sarmingan, Narvacan, Ilocos Sur kamakailan.

Sa tatlumpo’t apat na barangay sa Narvacan, ang Sarmingan ang unang nagkaroon ng museo.

Maglalaman ito ng mga artifacts at mga mahahalagang bagay na may kaugnayan sa mayamang kasaysayan ng barangay na nag-iisang katutubong barangay sa lokalidad.

Ang proyekto ay ipinatutupad ng Lokal na Pamahalaan ng Narvacan, sa pangunguna ni Mayor Sanidad, at sa pakikipagtulungan ng mga residente ng Barangay Sarmingan.

Kilala ang Brgy. Sarmingan hindi lamang sa makulay nitong kasaysayan kundi sa mayamang kultura at tradisyon ng mga naninirahan.

Ipinagmamalaki ng mga residente ang mga magagandang tradisyon at kaugalian gayundin ang kanilang pagkakaisa sa anumang alalahanin ng barangay, suporta sa isa’t isa, at pagtataguyod ng lahi ng katutubo.

Source: Narvacan Naisangsangayan

Panulat ni Malayang Kaisipan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles