23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Munisipyo ng Bacnotan, tumanggap ng parangal mula sa Provincial Government of La Union

Tumanggap ng mga parangal ang Munisipyo ng Bacnotan mula Provincial Government of La Union sa 2023 Gawad Kalusugan Award sa Bauang, La Union nito lamang ika-11 ng Disyembre 2023.

Nakatanggap ng Plaque of Recogniton ang Munisipyo ng Bacnotan dahil sa iginawad ng Department of Interior and Local Government na Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023 Award. Ito ay dahil sa mahusay at tapat na serbisyo ng Munisipyo sa publiko.

Nabigyan din ng komendasyon ang Munisipyo dahil sa pag-comply nito sa Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 523-2023 o ang pagkakaroon ng Local Nutrition Officer at tumanggap din ito ng parangal na Best Implementer on Nutrition Program Initiatives.

Inirepresenta nina Sangguniang Bayan Member Olga Jane Cua-Panelo, Municipal Health Officer Dr. Andy William Mendoza, Nutrition Officer John Philip Gabriel, Midwife Brenda Viluan si Mayor Divine Fontanilla sa pagtanggap ng mga parangal.

Nangangako naman ang mga namumuno sa Munisipalidad ng Bacnotan na mas lalo pa nilang pagbubutihin ang pagsisilbi sa kanilang nasasakupan nang sa gayon ay mas guminhawa ang kanilang pamumuhay.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles