16.2 C
Baguio City
Wednesday, November 27, 2024
spot_img

Munisipyo ng Bacnotan, La Union, nakiisa sa Ika-133 taong kaarawan ni dating Presidente Elpidio Quirino

Nakiisa ang Munisipyo ng Bacnotan, La Union sa pag-alala sa ika-133 kaarawan ng dating Presidente na si Elpidio Quirino nito lamang ika-16 ng Nobyembre 2023.

Bilang pagkilala sa kontribusyon ni dating Presidente Quirino sa bayan ng Bacnotan, isinagawa ang Flag Raising Ceremony at wreath laying ceremony sa barangay at paaralang ipinangalan mismo sa kanya ng Munisipyo ng Bacnotan – ang Quirino Elementary School (QES), Quirino, Bacnotan, La Union.

Nagbigay ng mensahe sina Sangguniang Bayan Member Olga Panelo, PEQES Head Teacher III Delia Matias, Punong Barangay Marvin Cardinez at Brgy. Kagawad Jovencio Andaya, binigyang diin nila ang mabubuting asal ni dating Elpidio Quirino na dapat tularan ng bawat residente ng Bacnotan.

Dumalo sa seremonya ang mga mag-aaral, magulang at mga guro ng PEQES, Quirino Barangay Council, national agencies tulad ng Bureau of Fire Protection at Philippine National Police at mga kawani ng munisipyo ng Bacnotan.

Naging daan din si dating Presidente Quirino para maipatayo ang tanyag na cement industry na HOLCIM Philippines sa bayan ng Bacnotan. Nagbigay ito ng kabuhayan sa bayan at katuwang ito ng Munisipyo sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.

Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa munisipalidad ng Bacnotan na patuloy nilang magiging prayoridad ang pagtulong sa kanilang nasasakupan upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang mga ito, lalo na ang kabataan.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles