14.6 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Munisipalidad ng San Agustin, Isabela, pormal na idineklarang Insurgency Free

Idineklarang ika-12 na Insurgency Free ang munisipalidad ng San Agustin sa Isabela na pinamumunuan ni Hon. Cesar A Mondala, Municipal Mayor, noong Hunyo 4, 2024 sa Barangay Masaya Centro, San Agustin, Isabela.

Naideklarang Insurgency Free at in State of Stable Internal Peace and Security ang nasabing munisipalidad sa pamamagitan ng Resolution No. 2024-01 series of 2024 na inapruba ng Sangguniang Bayan noong February 12, 2024 base sa rekomendasyon ng AFP at PNP sapagkat walang naitalang anumang presensya o bayolanteng aktibidad at paghihikayat ng mga makakaliwang grupo sa mga nagdaang taong hanggang sa taong kasalukuyan.

Labis ang pasasalamat ni Mayor Mondala sa kasundaluhan at kapulisan sa kapayapaang tinatamasa ngayon ng mamamayan ng San Agustin. Umaasa sila na hudyat na ito ng matagal na nilang inaasam na kaunlaran.

Samantala, ang Ceremonial Declaration ay pinangunahan ni BGen Eugene M Mata, Commanding Officer, 502nd Brigade, 51D, PA, Police Lieutenant Colonel Sherwin F Cuntapay, Deputy Provincial Director for Operation ng Isabela Police Provincial Office , Police Major Fresiel A Dela Cruz, Municipal Mayor Cesar A Mindala, NICA Region 2 Director Plormelinda P Olet, kasama ang lahat ng barangay officials, SK officials, stakeholders, NGOs, representative ng business sectors, at transport groups ng munisipalidad.

Source: 5th ID/IPPO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles