20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Munisipalidad ng Bacnotan, La Union, itinanghal bilang ‘Literacy Champion’ sa National Literacy Award 2022-Regional Level

Itinanghal bilang Literacy Champion ang Munisipalidad ng Bacnotan, La Union sa National Literacy Award 2022-Regional Level sa ilalim ng kategoryang Most Outstanding Local Government Unit in the 1st-3rd Class Municipality bilang pagkilala sa natatangi nitong programa sa larangan ng edukasyon sa ilalim ng Bacnotan Learning Journey.

Ibinahagi din ni Vice Mayor Francis Fontanilla na hindi nagtatapos sa mga parangal ang paggawa ng mga programa para sa mga kababayan, bagkus, magsisilbi itong inspirasyon upang pag-iigihan pa lalo at palawigin ang mga programa para sa mga Bacnotanean.

Nagpasalamat din ang bise alkalde sa mga dumalo na kabilang din sa mga rason ng pagkilala, kasama ang mga department head at kawani ng lokal na pamahalaan, mga punong barangay, kaguruan ng DepEd, at mga representante ng civil society organizations.

Nangangako naman ang mga namumuno sa Bacnotan, La Union na kanila pang pag-iigihan ang kanilang mga trabaho at patuloy na magsasagawa ng mga aktibidad at programa na lilinang sa kapasidad at kaalaman ng kanilang mga nasasakupan.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles