Nagsagawa ang Department of Tourism Cordillera ng Motorcycle Caravan at Heritage Discover sa Tabuk City, Kalinga nito lamang Hunyo 20-21, 2022.
Hindi bababa sa isang daang motorcycle riders at mga nagbibisikleta ang nakilahok sa nasabing aktibidad.
Ito ay isa sa programa ng DOT-CAR para sa Public Confidence Domestic Travel.
Ang mga sumasaklaw na ruta ay mula sa Ifugao patungo ng Mountain Province at patapos sa Kalinga.
Ang mga kalahok ay kinakailangang magsuot ng kumpletong gamit tulad ng helmet, riding jacket, elbow at knee gear, makapal na pantalon, reflectorize vest, riding gloves at riding boots para sa mas ligtas na paglalakbay.
Layunin nitong matulungan ang industriya ng turismo sa rehiyon na makabangon mula sa mga negatibong epekto ng pandemya ng COVID-19 na nagtatampok sa kalikasan, pakikipagsapalaran, kultura at mga heritage site.