Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Cooperative Month, isang masaya at makabuluhang Motorcade, Gift Giving, at Supplemental Feeding Program ang isinagawa sa Balangobong Elementary School sa Alaminos City, Pangasinan, nito lamang Lunes, Oktubre 7, 2024.
Ang programa ay pinangunahan ng City Cooperatives and Development Office (CCDO) sa ilalim ng pamumuno ni CCD Officer Solomon B. Tablang, katuwang ang iba’t ibang aktibong kooperatiba mula sa lungsod.
Buong suporta ang ibinigay ni Alaminos City Mayor Arth Bryan C. Celeste, na kinatawan ni City Councilor Atty. Walter M. Macaiba, Chairperson ng Committee on Agriculture, Aquatic and Natural Resources, Livelihood, and Cooperatives.
Lubos na pinasalamatan ni Head Teacher III Dr. Robert V. Flores ng Balangobong Elementary School, at ni Punong Barangay Loreto B. Del Rosario, sa pamamagitan ni Barangay Kagawad Roville C. Gulen, kasama si Chief Education Supervisor, SGOD, at Chairperson ng Alaminos City Division MPC, Dr. Arturo R. Viray, ang mga organizers ng naturang aktibidad sa matagumpay na pagsasakatuparan ng proyekto.
Ang mga aktibidad na tulad nito ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kooperatiba at lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo at tulong sa komunidad.
Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan