18.4 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

MONASTERIO DE TARLAC

“Ang plano ng Diyos ay ang “Tanging plano”, sapagkat sa bawat subok ng ating maraming plano kasabay nito ang ating pagkabigo kaya lahat ng bagay ay inayos ayon sa Kanyang kalooban at disensyo” ayun kay Rev. Si Ronald “Archie” Thomas A. Cortez ng Bamban, Tarlac, isang bagong naluklok na pastor sa Diocesan Shrine of St. Therese Ramos, Tarlac. Ang mga katagang nasambit niya ay bunga ng pagkakatangap niya nang isang tagubulin mula sa kanyang obispo na magkaroon ng karagdagang pag-aaral sa bansang Roma.

Ngunit ilang araw bago siya umalis, isang grupo ng mga kabataang lalaki, ang humingi ng kanyang tulong at pag-unawa sa pamumuhay ng katahimikan, panalangin, pagmumuni-muni at pagsamba ng espiritwalidad sa pagsunod sa Panginoon. Sila ang The Servants of the Risen Christ Monastic Community (SRC) isang apostolic-contemplative na komunidad ng mga lalaking relihiyoso na nagtalaga ng kanilang sarili sa isang buhay ng panalangin. Ang karisma ng bagong kongregasyon ay ang magbigay ng pag-asa sa mga walang pag-asa; isang mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay ng pag-asa at kagalakan.

Kaya’t Noong ika-14 ng Setyembre 1998 kasabay ng kapistahan ng Triumph of the Cross, ang bagong kongregasyon ay opisyal na nakatanggap ng basbas sa kanilang bishop-protector na si Most Reverend Florentino F. Cinense, bishop of the Diocese of Tarlac.

Ang pangangailangan ng isang lugar kung saan ang bagong komunidad ay maaaring tunay na ialay ang sarili sa isang buhay ng panalangin at pag-iisa ay isang pangarap ng Padre Archie. Dahil sa pagtitiwala sa Divine Providence, isang madaling araw ng Disyembre 1999 sa Tarlac, dumalo si Gobernador Jose “Aping” Yap sa Simbang Gabi sa St. Therese of the Child Jesus Parish sa Ramos, Tarlac.

Sa homiliya ni Padre Archie A. Cortez, ibinahagi sa mga mananampalataya ang buhay ng kanyang bagong komunidad bilang ilustrasyon ng isang dedikasyon sa buhay na nakaayon sa Ebanghelyo. Nakuha nito ang atensyon ng gobernador ng Tarlac. Pagkatapos ng Misa, nag-uusap sina Gobernador Yap at Padre Archie, ipinahayag ni Padre Archie ang pangangailangan ng komunidad para sa isang lugar kung saan sila tunay na mabubuhay bilang mga monghe at kasunod na alok ng isang piraso ng lupa ng Gobernador.

Sa paniniwala sa layunin ng Kongregasyon, ibinahagi at inalok ni Gobernador Yap kay Padre Archie ang kanyang on-going project at inimbitahan siyang magtayo ng monasteryo sa Eco-Tourism Park sa Brgy. Lubigan San Jose, Tarlac. Matapos makita ang lugar, nakita ng magkapatid na ito ay malapit nang maging lugar ng kapanganakan ng Monasterio de Tarlac. Ang paglalagay sa pundasyon ng Monasterio de Tarlac ay noong katapusan ng 2000, kung saan ginanap ang unang Misa at ang pagtatayo ng unang krus.

Noong Marso 07, 2001 ay naganap ang pagpapala ng Prior’s Ermitage, kasabay ng kaarawan ni Padre Archie Makalipas ang isang taon, noong Disyembre 2, 2002 ay binasbasan ang 30 talampakang mataas na rebulto ni Kristo sa pangunguna ni Bishop Florentino F. Cinense, D.D at dinaluhan ni Gobernador Yap at iba pang mga bisita. Noong 2003, ay ang pagkumpleto ng mga hermitages para sa mga monghe.

Sinundan ito ng pagbabasbas ng kapilya at ng 12-silid na dormitoryo noong 2004 na dinaluhan ni Gng. Teresita Wilkerson, mula sa Angeles City, isang mapagbigay na donor, kasama ang iba pang mga panauhin. Bilang patunay na ang Panginoon ang gumawa sa mapagkumababang kongregasyon, noong ika-30 ng Enero 2007, ang relik ng True Cross of Jesus ay nakalagay kapilya na inihandog ni Papal Nuncio sa Pilipinas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles