14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Modified Mobile Skills Training Project isinagawa ng TESDA sa Basista, Pangasinan

Nagsagawa ang Technical Education and Skills Development Authority ng Modified Mobile Skills Training Project sa Basista, Pangasinan noong Abril 29, 2022.

Tinatayang 25 residente ang nagsanay sa Basic Carpentry at 25 residente naman sa Basic Electrical Troubleshooting.

Ang aktibidad ay dinaluhan nina Juanito Labasan, Pangasinan TESDA representative; Verabless D. Bugayong, Local Government Unit – Basista PESO Manager at Rachel Jose, Provincial PESO Labor and Employment Officer III.

Ang naturang proyekto ay inilunsad ni Governor Amado I. Espino III noong 2017.

Sa kasalukuyan, mayroong 3,950 residente ang nabigyan ng pagkakataon ng TESDA sa lalawigan.

Layunin nitong hasain ang galing at talento ng mga Pangasinense sa pamamagitan ng TESDA para magkaroon ng karagdagang mapagkakakitaan at matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.

Source: Province of Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles