19.4 C
Baguio City
Tuesday, February 25, 2025
spot_img

Mobile Gamutan, hatid ng San Ildefonso LGU

Naghatid ng libreng Mobile Gamutan ang Lokal na Pamahalaan ng San Ildefonso para sa mga residente ng Barangay Pinaod, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Sabado, ika-22 ng Pebrero 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Gazo Galvez, Mayor ng San Ildefonso, kasama ang Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dr. Reginell Nunez.

Sa pagpapatupad ng aktibidad, nagkaroon ng mga libreng serbisyo tulad ng Medical Check-up, Laboratory Examinations, Dental Check-up, at Libreng eyeglasses naman para sa mga Senior Citizen.

Nagkaroon din ng Sanitary Inspection sa Barangay at Health Promotion Activity, Bedridden Check-up, Feeding Program, at Vitamins para sa mga bata at buntis.

Ito ay naglalayong mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng mga residente.

Ang aktibidad na ito ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa mga mamamayan at komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo pangkalusugan.

Ito ay nagpapakita ng pagtutulungan at pagkakaisa sa pangunguna ng lokal na pamahalaan at angkop sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon na mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng mga Pilipino.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles