18.5 C
Baguio City
Monday, September 23, 2024
spot_img

MOA Signing ng DENR Region 2 at DMC matagumpay na isinagawa

Matagumpay na isinagawa ang MOA Signing ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 at Dinapigue Mining Corporation (DMC) para sa mabilis na pagpapalit ng mga punong-kahoy na naapektuhan bunsod ng mining operations sa Dinapigue, Isabela.

Ang naturang MOA signing ay pinangunahan nina Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR Cagayan Valley at DMC Vice President – Chief Operating Officer Arnilo Milaor na pinangatawanan ng Nickel Asia Corporation Assistant Vice President ng Safety, Health and Environment na si Remedios Camo.

Dumalo naman sa aktibidad si Mr Orly Cariazo, Isabela Provincial ENR Officer at iba pang opisyales at kawani ng DENR at DMC para saksihan ang aktibidad.

Base sa napagkasunduan, ang DMC ay magpopondo ng mahigit Php40 million ng tatlong taon para sa 1,293 ektaryang plantasyon ng puno ayon sa kaalaman ng DENR sa ilalim ng ENGP. Ang naturang halaga ay para sa kabuuang gastos para sa mga punong papalitan na mapuputol o matatanggal mula sa 15.60 ektaryang lupa na tibagan ayon sa Special Tree Cutting Permit.

Ayon kay Director Bambalan, isa sa mga priority ng DENR na mapanatili at mapamahalaan ng maayos ang yamang mineral ng bansa kung saan binigyang-diin ang dahilan ng isinagawang kasunduan para mapangalagaan ang kapaligiran at operasyon ng minahan.

Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng MOA ay hindi lamang dahil sa positibong epekto nito sa kapaligiran kundi pati na rin sa epekto ng ekonomiya na sumusuporta sa pangkabuhayan ng mga organisasyon ng mamamayan na kasama sa pagtataguyod at pagpapanatili ng plantasyon.

Samantala, pinasalamatan naman ni Director Camo ang DENR para sa isinagawang kasunduan at pangakong masisiguro ang maayos at tamang minahan pati na rin ang tiwala ng Nickel Asia Corporation sa DMC kasama na dito ang operasyon ng naturang pagmimina. Dagdag pa niya, “Kung hindi ito responsable, hindi ito pagmimina”.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles