15.1 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

MOA sa pagitan ng Munisipalidad ng Bacnotan at GCash, nilagdaan

Nilagdaan ng Munisipalidad ng Bacnotan, La Union at GCash ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Bacnotan People’s Hall nito lamang ika-22 Abril 2024.

Nilagdaan ang naturang MOA sa layuning mapalawak ang digitization efforts at mapaigting ang cashless payment transactions ng lokal na pamahalaan.

Nasaksihan din ang Scan to Pay Service MOA Signing ng Sangguniang Bayan na pinangungunahan ni Vice Mayor Francis Fontanilla, gayundin ang ilang department heads at kawani ng lokal na pamahalaan.

“It’s a big win for financial inclusion which we expressly advocate, ensuring everyone, especially those without bank accounts, can access hassle free transactions,” ani Mayor Divine.

Nagpaabot din ng mensahe ang Vice Mayor ng Bacnotan, La Union na si Vice Mayor Francis Fontanilla na sumentro sa malaking maitutulong ng GCash sa mga transaksyon sa munisipyo.

Samantala, patuloy naman ang Munisipyo ng Bacnotan sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-tulungan sa mga grupo nang sa gayon ay mas mapadali ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan tungo sa ligtas sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: Bacnotan, La Union

Panulat ni: Sane Mind

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles