Boluntrayong sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army sa Barrio sa himpilan ng Headquarters ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15) sa Tadian, Mt. Province nito lamang Hunyo 30, 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Bismak”, 38 anyos, manggagawa, mula sa Gumhang, Tinoc, Ifugao, miyembro ng NPA sa Barrio sa ilalim ng nabuwag na Kilusang Larangang Guerilya Ifugao at kalaunan sa ilalim ng KLG AMPIS.
Inilahad ng dating rebelde na siya ay narekrut ng NPA noong 2014 ng mga lider na kilala bilang “Sayap,” “Alex,” at “Bombo” kung saan siya ay nagsilbi bilang contact sa Gumhang, Tinoc, Ifugao, bago naging miyembro ng NPA sa Barrio sa ilalim ng National Democratic Front of the Philippines – Northern Luzon Regional Committee (NDRC) hanggang sa paglipat niya sa KLG AMPIS noong 2018.
Sa ilalim ng KLG AMPIS, nagsilbi siyang point of contact para sa mga NPA sa Ifugao at Mt. Province hanggang Hunyo 2024 nang kumbinsihin siya ng mga operatiba na sumuko.
Ang pagsuko ni Bismak ay bunga ng pagsusumikap ng gobyerno na mabuwag ang mga rebeldeng grupo at maibalik ang kapayapaan sa rehiyon.
Samantala, patuloy na hinihikayat ng mga awtoridad ang iba pang miyembro ng NPA na sumuko at muling makisalamuha sa lipunan at mamuhay ng mapayapa.
Panulat ni Pebbles