Nagbalik-loob sa gobyerno ang isang dating Miyembro ng Milisyang Bayan sa probinsya ng Nueva Ecija nito lamang ika-5 ng Setyembre 2022.
Kinilala ang sumuko na si “Ka Terio”, dating kasapi ng Milisyang Bayan ng Larangang Gerilya sa Patag sa ilalim ni Nicomendez M. Ortiz o kilala sa Dagohoy.
Nabatid na isinuko rin ng Milisyang Bayan member sa mga awtoridad ang dala niyang isang shotgun at tatlong pirasong bala.
Ayon sa sumukong Milisyang Bayan member, nais na niyang magbagong-buhay kaya nagpasya siyang sumuko sa gobyerno.
xxx