14.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Miyembro ng CTG kusang sumuko

Kusang sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga otoridad sa Barangay Poblacion, Pudtol, Apayao nito lamang Huwebes, Pebrero 15, 2024.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Jokno”, 51 anyos, single, magsasaka at kabilang sa Militia ng Bayan na kasalukuyang nasa Lasam at Rizal, Cagayan.

Naging matagumpay ang pagbabalik-loob nito dahil sa serye ng negosasyon na isinasagawa ng mga pulisya sa naturang lalawigan, lokal na pamahalaan ng Pudtol at iba pang sangay at ahensya ng pamahalaan.

Ayon sa ulat, tumiwalag si “Jokno” sa makakaliwang grupo dahil sa maling mga ideolohiya ng mga ito.

Pansamantala namang nasa proteksyon ng Pudtol Municipal Police Station ang nasabing sumuko at sumasailalim sa custodial debriefing at interrogation habang nakabinbin naman ang kanyang aplikasyon upang mapabilang sa Enhance Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Ang pagsuko ng nasabing CTG ay indikasyon sa patuloy na pagbagsak ng nasabing grupo at isang patunay sa positibong epekto ng Whole-of-the-Nation Approach ng pamahalaan.

Panulat ni Gladiator

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles