18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Miyembro at supporters ng CTG sa Cagayan, boluntaryong sumuko sa pamahalaan

Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang tatlong miyembro at dalawang supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) mula sa bayan ng Amulung, Aparri, Claveria, Lasam, at Piat, Cagayan noong Pebrero 25, 2024.

Batay sa salaysay ng mga sumukong rebelde, maraming binitawan na pangako ang organisasyong CTG na humikayat sa kanila upang sumanib sa grupo ngunit walang natupad. Naranasan din nila ang hirap ng buhay sa pakikianib kung kaya nagpasya silang magbalik-loob.

Dahil dito, nangako silang susuporta sa lahat ng kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo at puputulin ang kanilang dating ugnayan sa organisasyon.

Ang matagumpay na pagbabalik-loob ng mga dating miyembro at ng CTG ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan upang pigilan ang paglaganap ng teroristang grupo ay patunay ng matatag na pagsuporta alinsunod sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na Whole-of-the-Nation Approach na naglalayong mapanatili ang kaayusan sa pamayanan sa pamamagitan ng pinaigting na hakbangin tungo sa mas payapang komunidad para sa Bagong Pilipinas.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles