Nagsagawa ng misting operation laban sa sakit na dengue ang City Health Office ng Tuguegarao sa ilang paaralan sa lungsod nito lamang Biyernes, ika-23 ng Agosto 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Maila Rosario S. Ting-Que, City Mayor ng Tuguegarao katuwang si Dr. Gilbert Allen Mateo, Officer-in-Charge ng City Health Office kasama ang ibang empleyado ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao.
Kabilang sa mga paaralan na nakatakdang pagsagawaan ng misting operation ay ang Carig Norte Elementary School, Carig Integrated School, Pengue Elementary School, Tuguegarao Northeast Central Integrated School, Tuguegarao East Central School, Tuguegarao West Central School at Tuguegarao North Central School.
Ayon kay City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que, ang mahigpit na implementasyon ng 4 o’clock habit ay hindi lamang sa mga paaralan kundi maging sa mga barangay ng lungsod.
Ang nasabing hakbangin ay daan upang labanan ang Dengue at protektahan ang bawat mag-aaral.
Source: Tuguegarao City Information Office