Nagsagawa ng Misa ng Pasasalamat at Pagpapala ang pamunuan ng Alaminos City LGU sa pangunguna ni City Mayor Arth Bryan Celeste sa bagong Emergency Room Complex ng Alaminos Doctors Villaflor Hospital nito lamang Huwebes, Mayo 29, 2025.

Ang nasabing pasilidad ay isang makabuluhang hakbang tungo sa mas mahusay, mas mabilis, at mas maaasahang serbisyong medikal para sa komunidad.
Personal din itong dinaluhan ni Vice Mayor Anton Perez, mga doktor ng Alaminos Doctors Villaflor Hospital, mga miyembro ng Board of Directors, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang pribadong organisasyon sa lungsod.
Patunay na ang pagkakaisa at pagtutulungan ay isang magandang pamamaraan para sa progresibo at maunlad na bayan.
Source: Alaminos City LGU