16.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Minimum Wage Hike para sa mga Manggagawa ng Pribadong Sektor sa Rehiyon Dos, aprubado na ng Regional Wage Board

Pormal ng inanunsyo nitong Miyerkules, Mayo 18, 2022 na aprubado na ng Regional Wage Board sa Lambak ng Cagayan ng Php50 hanggang Php75 na minimum wage hike para sa mga manggagawa ng pribadong sektor sa buong rehiyon.

Ipinaalam ni Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ H. Bello III ang magandang balita para sa sektor ng mga manggagawa sa kanyang interview para sa isang local media outlet.

Matapos ang pampublikong konsultasyon, pagdinig, at deliberasyon ay napagkasunduan ang Php420 na minimum wage para sa mga manggagawa ng non-agriculture, retail, at service establishments at Php400 naman para sa mga nasa sektor ng agrikultura.

Ipapatupad ang bagong minimum na sahod sa pamamagitan ng tranche kasabay ng pag-epekto ng wage order na magaganap 15 araw matapos itong mailathala.

Binubuo ang Regional Wage Board dito sa Region 02 nina DOLE RO2 Regional Director Joel M. Gonzales bilang Chairman, NEDA RO2 Regional Director Dionisio C. Ledres, Jr. at DTI RO2 Regional Director Romleah Juliet P. Ocampo bilang Vice-Chairperson, dalawang kinatawan mula sa sektor ng mga empleyado at employer bilang miyembro at RTWPB RO2 Board Secretary Heidelwina Tarrosa bilang board secretariat.

Source: DOLE Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles