13.5 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Mindanao Secession, tinutulan ng 57 kongresista

Sa gitna ng panawagang ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas ay siniguro naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mabibigo ito dahil isang paglabag ito sa saligang batas.

Sa katunayan, suportado ng 57 kongresista si Pangulong Marcos matapos lumagda ang mga ito sa manifesto para tutulan ang panukala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Ang manifesto na may titulong Unified Manifesto for National Integrity and Development ay pinirmahan ng 53 Mindanao solons, tatlong kinatawan ng partylist at isang mambabatas mula sa Visayas.

Dito ay inihayag ng mga mambabatas ang kritikal na papel ng Mindanao sa ekonomiya na may pagpapahalaga sa mga makabuluhang hakbang na ginawa ni Pangulong Marcos na unahin ang pagsulong ng kaunlaran sa rehiyon.

Samantala, binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos na hindi niya hahayaang mawala ang kahit na katiting na bahagi ng Pilipinas at patuloy na ipagtatanggol ng gobyerno ang bansa sa sinumang magtatangka na buwagin ang Republika.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles