Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang isang miyembro ng CNT Non-PSRTG member-Militia ng bayan sa Conner, Apayao nito lamang ika-28 araw ng Marso 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Bel”, 51 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Allangigan, Conner, Apayao.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang Fragmented Hand Grenade.
Napag-alaman na narecruit si “Ka Bel” sa underground movements sa Allangigan, Conner, Apayao taong 1988 ng miyembro ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCB) sa ilalim ng Danilo Ben Com Western Front.
Dagdag pa ni “Ka Bel”, sumali siya sa makakaliwang grupo dahil sa kahirapan at mapanlinlang na taktika ng NPA at pangakong mas gaganda ang kanyang buhay ngunit kabaliktaran ang nangyari.
Sinanay din si “Ka Bel” ng offensive and counter offensive NPA tactics sa Paco Valley Training Ground sa loob ng 45 araw kabilang ang basic marksmanship training, assemble and disassemble ng iba’t ibang baril at inisyuhan ng grupo ng Thompson submachine gun.
Ang kanilang area ng operasyon ay sa Kabugao at Conner, Apayao kasali ang Zinundungan Valley, Rizal at Lasam, Cagayan.