Boluntaryong sumuko sa kamay ng pamahalaan ang isang miyembro ng Militia ng Bayan sa Brgy. Caugingannan, Pamplona, Cagayan nito lamang Huwebes, Mayo 25, 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Alex”, 57 anyos, may asawa, at residente ng Barangay Calayucay, Luna, Apayao.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang unit ng Cal. 22 firearm without magazine and ammunition at isang unit ng cartridge 60 mm high explosives.
Ang pagbabalik-loob ni “Ka Alex” ay isang magandang hakbang at indikasyon na malaki ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran ng ating bayan.