23.6 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

Mga tauhan ng MBLT-10, tinulungan ang 10-taong gulang na bata sa Fuga Island

Tinulungan ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team (MBLT)-10 na nakabase sa lalawigan ng Cagayan ang 10-taong gulang na bata upang ito ay maoperahan sa Sitio Naguilian, Brgy. Fuga, Aparri, Cagayan.

Sa tulong ng MBLT-10, naihatid ng tropa ng mga marino si Dr. Ismael Tumaru III, sa nasabing lugar upang saklolohan at gamutin si Michael John Erise, ang batang lalaki na may iniindang bukol sa ilalim ng kanyang kili-kili.

Agarang sinuri at nilapatan ng gamot ang batang lalaki upang maibsan ang sakit na nararamdaman nito.

Ayon sa MBLT-10, ang tumulong sa lahat ng oras at sa lahat ng pagkakataon ay isang panatang nanatili sa kanilang pamunuan.

Ang pagbibigay ng tulong medikal ay isa sa mga hakbang at pagsisikap na ginagawa ng yunit upang tulungan ang mga taong naninirahan sa Fuga Island, isang Geographically Isolated and Disadvantaged Area dahil sa kawalan ng mga serbisyong medikal.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles