Bilang tugon sa nangyaring malakas na lindol sa lalawigan ng Abra noong nakaraang lingo ika-27 ng Hulyo taong kasalukuyan, nagpadala ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ng Medical Response Team na binubuo ng 45 nilang tauhan.
Bago umalis ang naturang grupo noong ika-2 ng Agosto taong kasalukuyan ay kinausap sila ni Dr. Glenn Mathew Guillermo Baggao, Medical Center Chief ng CVMC para sa instruction kaugnay sa kanilang pupuntahang misyon.
Ang grupo ay magbibigay ng karagdagang tulong medikal sa mga naapektuhan ng lindol sa lalawigan ng Abra at si Dr. Baggao ang mismong tatayong Incident Commander na kasama sa CVMC Abra Response Team.
Ayon kay Dr. Baggao, ang kanilang team ay binubuo ng 10 doctors, 19 nurses, 1 psychologist, 9 drivers, 2 supply officers, 1 pharmacist, 1 cook, at iba pang support staff.
Mayroong 12 tauhan na nagmula sa Health Emergency staff na kasama sa grupo.
Kabilang sa mga dadalhin ay isang coaster, 2 ambulance cars, 2 flexi vehicles, 2 pick-up vehicles, 1 dental bus, 2 other service vehicles, 20 tents, 45 folding beds, Generator set, anesthesia machine, cardiac monitors, mga gamot, medical at surgical supplies, foods, mga kitchen utensils at iba pa.
Tiniyak din ni Dr. Baggao na hindi sila magiging dadagdag pasanin ng Local Government Unit ng Abra kaya lahat ng pangangailangan ng kanilang grupo ay kanilang inihanda at ipapamigay.
Source: PIA 2