13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Mga samut-saring kagamitan ng CTG narekober sa Botolan, Zambales

Narekober ng mga otoridad ang mga samut-saring kagamitan ng mga Communist Terrorist Group sa Sitio Gued-Gued, Barangay Palis, Botolan, Zambales nito lamang ika-26 ng Hunyo 2022.

Ang mga narekobreng kagamitan ay bunga ng pinagsanib na puwersa ng 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, Botolan Municipal Police Station, 305th Mechanized Company, Regional Mobile Force Battalion 3, 33rd Mechanized Company Philippine Army at Provincial Intelligence Unit ng Zambales Police Provincial Office.

Ang mga narekober ay isang pirasong Garand Rifle, dalawamput walong pirasong M1 Garand Cartridge Ball, isang grenade, hand MK2 Frag, isang pirasong Grenade, Hand, M26 Frag, dalawang piraso ng 40MM Cartridge, tatlong pirasong M567 40MM Buckshot Grenade, isang pirasong Dilapidated M16 Rifle, siyam na pirasong green jungle pack, limamput dalawang pirasong napkin, limang piraso ng pistol belt, dalawang suspender belt, watawat ng CPP-NPA-NDF, samut-saring damit, gamot, pagkain, mga hygiene kit at mahahalagang dokyumento ng mga terorista.

Ang matagumpay na operasyon na ito ay bunga ng maigting na kampanya kontra insurhensya at patuloy na pagpapatupad ng alituntunin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles