18.3 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Mga Produkto ng Region 2, bibida sa Gulfood 2024 sa Dubai

Matapos ang matagumpay na pakikibahagi sa unang pagkakataon sa European market ng Ambiente Fair sa Germany, muli na namang sasabak ang Cagayan Valley region sa global stage ng Gulfood 2024, na nagsimula kahapon, ika-19 ng Pebrero 2024 na ginaganap sa Dubai, UAE.

Bahagi ng limang araw na aktibidad ang rehiyon dos sa itinuturing na pinakamalaking taunang food and beverage trade show sa buong mundo na isasagawa sa Dubai World Trade Centre hanggang Pebrero 23.

Ayon kay Regional Director Leah Ocampo, isa na naman itong malaking kaganapan para sa Lambak ng Cagayan dahil dadalhin ng rehiyon ang halal-certified food products nito sa Middle East, sa gabay at atas na rin ng DTI para makilala ang rehiyon sa global value chain.

Kabilang sa mga produkto ng Lambak ng Cagayan ang Calamansi Herbal Juice Drink at Okra Chips ng JBM Food Products mula Cabatuan, Isabela; Fresh Frozen Shrimp ng Dataj Aquafarm, Inc. mula Sta. Teresita, Cagayan; at Rice-Cassava Crackers ng Lighthouse Cooperative mula naman sa siyudad ng Tuguegarao.

Napag-alamang tinulungan ng DTI kasama ang Department of Agriculture (DA) Region 02 at ang DA Cagayan Valley Research Center ang mga kumpanyang ito sa kanilang halal certification at pagkumpleto sa kanilang export requirements.

Alinsunod sa mga adhikain ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palaguin ang ekonomiya ng Pilipinas, ito ay magiging daan upang makilala ang produkto ng rehiyon hindi lamang sa sarili nitong bayan kundi maging sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Source: DTI R02

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles