14.6 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Mga Pasyalan sa Atok, Benguet Inaasahang Magbubukas na para  sa mga Turista

Atok, Benguet – Isa sa dinarayo hindi lamang ng mga lokal na turista kundi maging ng mga dayuhan sa rehiyon Cordillera lalo na noong wala pang pandemya ay ang munisipalidad ng Atok na matatagpuan sa lalawigan ng Benguet.

Sa Atok kasi makikita ang sikat na tourist spots kagaya ng Northern Blossom Flower Farm kung saan makikita ang sikat na cabbage rose, the Sakura (Cherry Blossom) Park, Haight Place, Highest Point, Mt. Timbak, Spanish Trail at Half Tunnel.

Dagdag din dito ang unti-unti ng nakikilala na Tayao Farm na makikita naman sa  Caliking Atok, Benguet, ang mga tanawin ng sea of clouds at ang malamig nitong klima kung saan ang Atok ang isa sa naitatalang may pinakamalamig na klima lalo na simula sa buwan ng Nobyembre hanggang Enero.

Kaya naman para sa mga turista na nag-aabang para mapuntahan ang mga naturang lugar, isang magandang balita dahil ayon sa lokal na pamahalaan ng Atok, ang mga nasabing popular tourist destinations ay inaasahang magbubukas simula sa Marso 8, 2022 subalit ang mga ito ay sarado sa araw ng Lunes at Biyernes.

Samantala, pinapaalalahanan pa rin ang mga turista o bisita na pupunta rito na kailangan pa rin nilang sumailalim sa triage at registration na matatagpuan sa Kilometer 22, Caliking, Atok, Benguet.

Kaya ano pang hinihintay ninyo? Ihanda na ang inyong boots, makapal na jacket, bonnet at tara na dito sa Atok.

Source: Wow Cordillera

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles