Agad namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development Region 2 kasama ang ibang ahensya ng gobyerno sa mga pamilyang apektado ng bagyong Karding sa iba’t ibang lugar sa Lambak ng Cagayan.
Nasa 171 Family Food Packs ang naipamigay sa mga bayan ng Ramon at Dinapigue sa Isabela; Alfonso Castañeda, Bagabag, Dupax Del Norte, at Solano sa Nueva Vizcaya; at Aglipay at Diffun sa Quirino.
Ayon kay Regional Director Lucia Alan, ito ay parte ng relief augmentation para sa mga lokal na pamahalaan.
Nagpasalamat naman ang mga apektadong pamilya sa natanggap nilang agarang tulong at aksyon mula sa pamahalaan.
Samantala, patuloy ang isinasagawang assessment at validation ng lokal na pamahalaan para sa gagawing interbensyon at tulong na maaaring ibigay sa mga pamilya ng apat (4) na naireport na partially damaged houses sa mga bayan ng Alfonso Castañeda at Aritao.
Source: DSWD Region II