13.2 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Mga magsasaka sa Cagayan, sumailalim sa Corn Silage Training

Sumailalim sa isang Corn Silage Training ang ilang magsasaka mula Iguig, Cagayan na naganap nito lamang Martes, ika-6 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung ng nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Provincial Agriculturist Pearl P Mabasa, layunin ng aktibidad na maituro sa mga kalahok ang kaalaman sa pagbuburo ng mais upang mapakinabangan ang mga nasira ng bagyo at maging pagkain ng mga alagang kalabaw, baka, at kambing sa panahon ng tag-araw.

“Simple lamang ang proseso ng corn silage. Ang mga nasirang mais dahil sa bagyo ay gagamitan lamang ng chopper, ilalagay sa matibay na plastik, iba-vacuum ang hangin para hindi masira at i-stock lamang ng 3 weeks o kahit ilang buwan,” ani Mabasa.

Dagdag pa niya, maaari din itong ibenta sa merkado at makapagbigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka. Ipinaalam din niya na bukas ang Cagayan Farm School sa lahat ng magsasakang nais matuto ng pagbuburo ng mais.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles