Tinanggap ng nasa 251 magsasaka mula sa Lubuagan ang fertilizer discount voucher mula sa Department of Agriculture-Cordillera (DA-CAR) na ginanap sa Municipal Compound, Capitol Hills, Lubuagan, Kalinga nito lamang Agosto 31, 2023.
Ang pamamahagi ng fertilizer voucher ay sa ilalim ng National Rice Program para sa mga magsasaka mula sa anim na barangay ng munisipalidad ng Lubuagan.
Umabot naman sa 350 na sako ng fertilizer ang naipamahagi sa mga benepisyaryo at bawat magsasaka ay nabigyan ng fertilizer discount voucher na katumbas ng Php1,131 kada ektarya sa mga sakahan na nataniman ng inbred seeds, at Php2,262 kada ektarya para sa hybrid seeds.
Ang fertilizer discount voucher ay ibinibigay sa mga magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng datos ng Department of Agriculture.
Patuloy sa pamimigay ng tulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tungo sa kapayapaan at Kaunlaran ng ating inang bayan.