Muling nagbahagi ng mga regalo, sa ika-apat na pagkakataon, ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles para sa kanilang taos-pusong tradisyon ng pagbibigay ng saya sa mga retiradong kawani ng Social Welfare sa Lungsod ng Angeles nito lamang Martes, ika- 3 ng Disyembre 2024.
Ipinagpatuloy nina Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., Chief Adviser IC Calaguas, at Executive Assistant IV Reina Manuel ang pag-aabot ng suportang pinansyal.
Nagkakahalaga ng ₱15,000,00 ₱5,000.00 bawat isa para sa Home for the Girls, Bahay Pagasa, at Bale Pusu, upang matiyak na sapat ang mga ito para sa kanilang Noche Buena at Media Noche.
Personal na inihatid nina Calaguas at Manuel ang mga regalo sa retiradong City Social Welfare and Development Officer na si Edna Duaso, na labis na ipinagpasalamat naman ng ginang.
Sa kasalukuyan, may 32 bata na naninirahan sa Home for the Girls, 12 sa Bahay Pagasa, at tatlong matatanda sa Bale Pusu.
Bahagi ng mga prayoridad na programa ng administrasyong Lazatin na masiguro na kahit ang mga pinaka-mahihina ay makakaranas ng init at saya ng kapaskuhan.