19.4 C
Baguio City
Saturday, February 22, 2025
spot_img

Mga kagamitang pandigma ng NPA, narekober sa Nueva Ecija

Narekober ang mga kagamitang pandigma ng New People’s Army (NPA) ng mga otoridad sa Brgy. Fatima, Pantabangan, Nueva Ecija nito lamang Lunes, ika-18 ng Pebrero 2025.

Nabatid na itinuro ni alyas “Ka Ace”, isang dating rebelde ang kinaroroonan at lokasyon ng mga nakabaong mga kagamitan.

Narekober ang tatlong piraso ng bala ng M203, dalawang piraso ng Rifle Grenade, 16 na piraso ng buhay na bala ng Cal. 5.56, 15 piraso ng buhay na bala ng Cal. 7.62, apat na piraso ng maiikling magasin para sa Cal. 5.56, isang piraso ng 9V baterya, at isang piraso ng stranded wire.

Patuloy ang pamahalaan sa pagpapaigting ng kampanya laban sa insurhensya at terorismo upang protektahan ang mga mamamayan sa teroristang grupo.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles