Matagumpay na naiabot ang mga kagamitan sa pagsasaka para sa mga magsasaka ng San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Huwebes, ika-27 ng Abril 2023.
Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Hon. Ali Salvador, Vice Mayor katuwang ang mga tauhan ng City Agricultural Office.
Umabot sa 50 plastic crates at 10 knapsack sprayer ang ipinamahagi sa iba’t ibang asosasyon ng magsasaka sa naturang lungsod.
Patuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong at tapat na serbisyo sa bawat mamamayang Pilipino.