Cuyapo, Nueva Ecija (February 12, 2022) – Nadiskubre ng mga kapulisan ang isang taguan ng mga kagamitan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Colosboa, Cuyapo, Nueva Ecija noong ika-12 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng 2nd Provincial Mobile Force Company, 3rd Platoon, Nueva Ecija Police Provincial Office, 304th Regional Mobile Force Battalion 3, Talugtog MPS, Cuyapo MPS, Nampicuan MPS at Nueva Ecija PECU.
Ang mga nadiskubre sa nasabing lugar ay 1 improvised Cal.22 magnum at may magazine na naglalaman ng anim na bala, 1 shotgun, 171 pirasong bala ng M16 rifle, 15 pirasong bala ng Cal.45, 7 bala ng Cal.357, 9 na pirasong bala ng Cal.380, 1 pirasong bala ng Cal.38, 2 pirasong bala para sa M203 grenade launcher, 2 piraso ng rifle grenade, 2 hand grenade, 1 bandolier, electrical wire, 1 piraso na Car battery, 1 container na naglalaman ng bigas at iba pang kagamitan.
Ipinahayag ni Police Brigadier General Matthew P. Baccay, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO 3), na walang tigil ang kanilang maigting na kampanya kontra insurhensiya sa kabila ng banta ng COVID-19. Sinabi din niya na dahil sa walang tigil na pagsisikap ng kapulisan ng rehiyon kasama ang mga kasundaluhan, ang mga miyembro ng NPA ay patuloy na dumaranas ng kabiguan.