Nahukay ng mga awtoridad ang mga kagamitan ng mga Communist Terrorist Groups (CTGs) sa Brgy. Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija nito lamang Sabado, Nobyembre 12, 2022.

Ang mga nadiskubre ay 19 packs na noodles, 24 pirasong canned goods, 15 kilos na bigas, 1 kaserola, 42 live ammunitions ng cal. 5.56mm, 24 live ammunition ng cal 7.62 mm, 11 live ammunition ng calibre .30mm carbine; 2 long at 1 short magazine for cal. 5.56mm; 2 flashlights; 2 piraso ng 9V batteries; at 2 blue sack sakolin water proof lona.
Samantala, nanawagan naman ang mga awtoridad sa natitira pang miyembro ng komunista na magbalik-loob na sa pamahalaan tungo sa pagkamit ng katahimikan at kapayapaan sa ating bansa.