17.9 C
Baguio City
Wednesday, October 23, 2024
spot_img

Mga Kagamitan at Armas Pandigma, narekober sa Kalinga

Narekober ng pinagsanib pwersa ng 50th Infantry Battalion at Kalinga PNP ang iba’t ibang mga kagamitan at armas pandigma sa kanilang isinagawang operasyon sa Sitio Kalakatan, Brgy. Mabaca, Balbalan, Kalinga nito lamang ika-9 ng Disyembre 2022.

Ayon sa ulat, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon hinggil sa hideout ng mga teroristang grupo na pinaniniwalaang mga miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla – Baggas.

Natuklasan ng mga awtoridad ang abandonado na hideout at narekober ang mga kagamitan at armas pandigma gaya ng Colt M16A1 rifle na may apat na magazine, dalawang garand rifles na may limang magazine clip, isang carbine rifle, tatlong rifle grenades, 27 piraso ng 7.62mm ammunition, dalawang M203 na may bala, isang 60mm live ammunition, dalawang stick ng ammonium nitrate, tatlong improvised explosive device, electric wire, blasting cap, medical paraphernalia, NPA flag, mga personal na gamit, at mga dokumento.

Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa iba pang miyembro at tagasuporta sa teroristang grupo na magbalik-loob sa gobyerno upang makamtan ang katahimikan at kaunlaran ng ating inang bayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles