Iba’t ibang mga gamit pandigma ng Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley ang narekober ng tropa ng 17th Infantry Battalion matapos ang magkasunod na engkwentro sa Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan nang ika-13 ng Pebrero 2023.
Sa pagsuyod ng kasundaluhan sa lugar ng pinangyarihan ng engkwentro, narekober nila ang isang (1) M4 Commando Colt, isang (1) bushmaster rifle, tatlong (3) short firearms (pistol), anim (6) na improvised explosive device, isang (1) rifle grenade, pitong (7) bala ng M203 Grenade Launcher, isang (1) RPG ammunition, 12 magazine ng M14, 16 magazine ng M16 (13 long, 3 short), limang (5) bandolier, isang (1) baofeng radio, isang (1) Macbook laptop, mga cellphones, subersibong dokumento, at mga personal na kagamitan.
Ang pagkakarekober ng mga gamit pandigma ay nangangahulugan lamang na pabagsak na ang pwersa ng Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley lalo pa at namatay din ang kanilang dalawang miyembro sa sagupaan.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang miyembro ng KomProb Cagayan na nasawi sa nasabing engkwentro.
Patuloy naman ang panawagan ng Provincial Task Force-End Local Communist Armed Conflict ng Cagayan sa mga natitira pang mga miyembro ng teroristang grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan at huwag nang sayangin pa ang kanilang buhay sa walang saysay na ipinaglalaban.
Source: 5ID Startrooper, Philippine Army Fb page