23.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Mga floating asset, rescue vehicle at iba pang kagamitan para sa banta ng Bagyong “MAWAR”, nakahanda na

Bilang paghahanda sa posibleng pagpasok ng bagyong “MAWAR” sa lambak ng Cagayan, inihanda at inayos na ang mga floating assets, rescue vehicles at mga kagamitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC).

Ayon kay Arnold Azucena, Head ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT), tiniyak na nasa maayos na kondisyon ang mga rescue vehicle at iba pang kagamitan ng pitong station ng TFLC na nakatalaga sa Tuguegarao City, Tuao, Lal-lo, Sanchez Mira, Gonzaga, Amulung, at Ballesteros.

Ang bawat station ng TFLC ay may tig-dalawang rubber boats at tig-isang rescue car, search and rescue car at motorsiklo.

Bukod dito, sinabi ni Azucena na nakahanda rin ang yate ng probinsya na kasalukuyang nasa bayan Sta Ana maging ang jetski, russian truck at boom truck ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Sa ngayon, kasalukuyan na ang ginagawang koordinasyon ng TFLC-QRT sa mga iba’t ibang Local Government Unit (LGUs) lalo na ang mga nasa coastal area para matiyak ang kaligtasan ng bawat Cagayano sa banta ng naturang sama ng panahon.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles