20.7 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

Mga estudyante, nakilahok sa Road Safety Awareness Seminar

Nakilahok ang mga mag-aaral ng City College of San Fernando, Pampanga sa isinagawang Road Safety Awareness Seminar sa Hereos Hall, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Lunes, ika-27 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng City Public Order and Safety Coordinating Office (CPOSCO) sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Louie Clemente. Personal din itong dinaluhan ng butihing Mayor na si Hon. Vilma Balle-Caluag.

Tinalakay sa naturang aktibidad ang mga batas trapiko maging ang mga dapat gawin upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

Nabigyan din sila ng mga Information, Education and Communication (IEC) materials tungkol sa road, traffic and public safety awareness. Nasa limampung (50) estudyante ang nakilahok sa seminar.

Layunin ng aktibidad na makapagbahagi ng kaalaman sa mga Kabataan alinsunod  sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles