13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Mga empleyado ng LGU Reina Mercedes, Isabela, matagumpay na natapos ang 2-Day CBAIDA Trainer’s Training

Matagumpay na nagtapos ang 36 na empleyado ng Local Government Unit Reina Mercedes ng 2-Day Community-Based Anti-Illegal Drugs Advocacy (CBAIDA) Trainer’s Training na ginanap sa La Reina Travellers Inn and Event Venue, Brgy Nappacu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela noong Nobyembre 6, 2022.

Ang nasabing Training ay magkatuwang na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 2 at Provincial Office.

Ang munisipalidad ng Reina Mercedes ay 32nd batch ng CBAIDA sa buong Rehiyon 2 at 15th batch naman sa lalawigan ng Isabela.

Sa unang araw ng training ay tinalakay ang CBAIDA overview, National Drug Situations, Salient Provisions of RA 9165 at III Effects of Dangerous Drugs. Sa pangalawang araw naman ay tinalakay ang Community Involvement Plan, Basics of Public Speaking at Individual Presentation as Lecturers of III effects of Dangerous Drugs.

Sa suporta at tulong nina Ms. Suzette Lumaban at Mr. Wyne Asuncion bilang lecturers ay naituro ang mga nasabing paksa na tinalakay.

Layunin ng training na ito na sanayin ang mga LGU ng CBAIDA bilang force multiplier ng PDEA sa patuloy na pagsasagawa ng mga aktibidad laban sa ilegal na droga.

Source: Reina Mercedes Police Station

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles