Nakiisa ang mga delegado ng National Private Schools Athletic Association (PRISAA) sa isinagawang tree planting activity ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan nito lamang Huwebes, ika-10 ng Abril 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan mismo ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO)-Tuguegarao, University of Cagayan Valley, at PNREO kung saan aabot sa higit 200 bamboo propagules ang sabay-sabay na itinanim ng mga mag-aaral, delegado, at opisyal ng National PRISAA mula sa 17 rehiyon.


Layon ng isinagawang tree planting activity na itaas ang kamalayan ng mga kabataan hindi lamang sa pagpapaunlad ng talento at kakayahan sa isports nguni’t maging sa pagprotekta rin ng kalikasan upang itaguyod ang eco-sustainability ng lalawigan at ng buong bansa.
Source: Cagayan Provincial Information Office