Nagtapos ang 25 dating miyembro at taga-suporta ng Anak Pawis sa isinagawang pagsasanay sa Animal Production ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa isang programang naganap sa Brgy. Asinga Via, Baggao, Cagayan nitong Oktubre 7, 2022.
Sumailalim ang mga kalahok sa 38-day training kung saan tinuruan sila ng Basic Animal Production gaya ng Maintaining Poultry Housing, Brood and Grow Chicks, Performing pre-lay and lay activities, at trim break.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa karunungan at tulong na kanilang natanggap mula sa pamahalaan.
“Malaking tulong po ito para sa amin sa pagsisimula po naming muli. Asahan po ninyo na amin pong pagyayamanin ang aming mga natutunan mula sa TESDA. Nagpapasalamat na rin po kami sa 77IB na tumulong sa amin na makapagbagong buhay. Maraming Salamat po,” ito ang nasabi ng isang benepisyaryo.