14.8 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

Mga dating OFWs nakatanggap ng Financial Assistance mula OWWA

Pinagkalooban ang anim na dating Overseas Filipino Workers (OFWs) ng Financial Assistance mula Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Bontoc, Mt. Province nito lamang ika-5 ng Setyembre 2023.

Iginawad ni Bontoc Mayor Jerome “Chagsen” Tudlong Jr. ang mga tseke na mula sa programa ng OWWA Balik Pinas, Balik Hanapbuhay (BHBP) sa anim na benepisyaryo.

Personal na tumanggap bawat isa ng Php20,000 sina Lynette P. Langpawen, Nida A. Pang-abong, Teresita L. Filog at Mark Daryl A. Facsoy. Gayundin sina Polly Ann L. Orowan at Kurt Collins K. Fagsao ng Php10,000 at Php5,000.

Layunin ng programa ang mabigyan ng agarang tulong ang mga Overseas Filipino Workers na naayon sa kanilang kasanayan tulad ng gardening, water refilling at I-Fern business.

Patuloy ang pamahalaan at mga Local Government Unit sa pagtulong sa mga OFWs upang mabigyan ng livelihood assistance at magsimula muli dito sa bansa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles