15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Mga dating miyembro at supporters ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno ng Nueva Ecija

Nagbalik-loob sa gobyerno ng Nueva Ecija ang tatlong miyembro ng Kadamay at dalawampu’t isang mass supporters ng Communist Terrorist Group (CTG) nito lamang ika-3 ng Hunyo 2022.

Ang mga nagbalik-loob ay mga miyembro ng KLG Sierra Madre na kumikilos simula noong taong 2019 sa probinsya ng Nueva Ecija.

Napadali ang pagsuko ng mga dating miyembro at mass supporters ng CTG sa tulong ng 1st Nueva Ecija Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Major Robert B De Guzman, Operation PCO; TESDA Nueva Ecija, Gen. Tinio Police Station, Provincial Intelligence Unit, 145 Special Action Company Special Action Battalion Special Action Force, Cabanatuan City Police Station, Gapan City Police Station, Santa Rosa Police Station, Talavera Police Station, 303rd Mechanize Company, Regional Intelligence Unit 3, Criminal Investigation and Detection Group, 84th Infantry Brigade Philippine Army, 71st MICO at 703rd Brigade.

Sila ay sasailalim sa debriefing at pagkakalap ng mga impormasyon na makakatulong sa mga gagawin pang operasyon ng gobyerno.

Layunin nitong ipaabot ang mga programa ng gobyerno para sa pagkakataong mabago ang buhay kapiling ang pamilya at tuluyang talikuran ang maling idelohiya ng makakaliwang grupo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles