Namahagi ng iba’t ibang klase ng mga buto ng gulay ang Angeles City Agricultural Office nito lamang Miyerkules, ika-28 ng Setyembre 2022.
Ito ay proyekto ng kasalukuyang City Mayor na si Hon. Carmelo Lazatin Jr., para sa mga mamamayan ng naturang lungsod.
Tinawag ang proyekto na “Luntian sa Barangay Lingap Project” kung saan binibigyan ang mga residente ng mga buto ng gulay upang itanim sa kanilang mga bakuran upang magkaroon ng mapagkukuhanan ng pagkain lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Tinatayang nasa 150,000 na mga residente ang nabigyan ng mga buto ng gulay.
Ito ang nakikitang solusyon ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang kanilang nasasakupan kasabay ng pagtaas ng mga bilihin at tulong sa mga residente na magkaroon ng pagkaka-abalahan at pweding pagkakakitaan.