15.3 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

Mga Bulakenyong magsasaka, nakatanggap ng Agricultural Machineries mula sa Department of Agriculture

Nakatanggap ng Agricultural Machineries ang Bulakenyo Farmer Cooperatives and Association (FCA) ng iba’t ibang lungsod mula sa Department of Agriculture-Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa ginanap na Distribution of Farm Machineries and Ceremonial Awarding sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, City Of Malolos Bulacan nito lamang ika-31 ng Enero 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Daniel Fernando, Governor, City of Malolos Bulacan sa ilalim ng Philmec Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program.

Dinaluhan ito ni Hon. Alexis C. Castro, Vice Governor ng Malolos, Bulacan at Hon. Eduardo Lapuz, Jr, Regional Executive Director of Department of Agriculture Regional Field Office III.

Naigawad ang higit Php59.18 million halaga ng makinarya sa 37 miyembro ng Bulakenyo FCA kabilang ang mga 15 Hand Tractor, 14 Four Wheel Tractor, 9 Riding Type Transplanter, 5 Rice Combine Harvester, 4 Single Pass Rice Mill, 4 Walk Behind Transplanter, at 2 Precision Seeder.

Layunin ng programang ito na magtaguyod at ipatupad ang angkop na mekanisasyon sa agrikultura upang mapataas ang produksyon na magdudulot sa mas mataas na kita at pagpapabuti sa ng buhay ng mga ito.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles