Nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo ng Risk Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM) sa pamamagitan ng Cash-For-Work (CFW) ng Kagarawan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos, matapos matanggap ang Php3,750 bawat isa na sahod para sa kanilang serbisyo at partisipasyon sa programa noong Setyembre 7, 2023.
Ang RRP-CCAM ay programa ng ahensya na naglalayong pataasin ang adaptive capacities ng mga bulnerableng komunidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga proyekto at aktibidad na may kaugnayan sa climate change adaption and mitigation.
Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng CFW na modality kung saan makakatanggap ng pinansyal na tulong ang mga kalahok kapalit ng kanilang pagtatrabaho.