Nagkapit-bisig ang dalawang grupo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps upang buuin ang kanilang proyektong “Gulayan sa Barangay” nito lamang Martes, ika-29 ng Agosto.
Adbokasiya ng mga grupo na magtanim gamit ang natural na pamamaraan bilang kontribusyon sa good agricultural practices at organic farming ng gobyerno.
Ang mga naturang grupo ay kabilang sa mga nakatanggap ng farm inputs mula sa Department of Agriculture.
Ang 4Ps Gulayan sa Barangay ay isang inisyatibo ng DSWD katuwang ang mga partners nito upang masiguro ang sapat na pagkain sa hapag, mabigyan ng tamang kalusugan at nutrisyon ang mga sambahayan habang binibigyan ng halaga ang pagkakaisa at bayanihan sa pagpapatupad nito.