21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Mga Bayan sa Cagayan, naghahanda na para sa Bagyong Odet

Nagpulong-pulong ang mga miyembro ng disaster council sa bayan ang Abulug, Cagayan bilang pagtalima sa kautusan ni Abulug Mayor Jesus Emmanuel Vargas ngayong ika-20 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Kasabay din ito nang pagpreposisyon ng lahat ng mga rescue assets at patuloy na monitoring lalo na sa mga dati nang nabahang lugar ng munisipalidad.

Nagmistulang palaisdaan na rin na abot hanggang tuhod ang tubig sa Libertad Market at may pagbaha na rin sa ilang bahagi ng Dana-ili dahil sa lakas ng ulan simula pa kagabi, Oktubre 19, 2022.

Nakararanas ang Abulug ng moderate hanggang heavy rains at light to moderate winds, samantala ay maalon na rin ang karagatang sakop ng kanilang bayan.

Passable pa rin ang lahat ng mga kalsada at tulay at normal pa rin ang supply ng kuryente.

Suspendido naman ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sinabihan na rin ang mga residente na tumalima sa lahat ng abiso ng mga otoridad upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Source: PIA Cagayan FB Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles